Itinigil na ng Philippine Airlines (PAL) ang biyahe ng kanilang eroplano galing Manila patungong Tablas Island, Romblon at pabalik ngayong 2017.
Ayon sa mensaheng pinadala ng Philippine Airlines sa Romblon News Network, hanggang noong December 31, 2016 nalang talaga ang kanilang biyahe patungong Tablas Island.
Hindi tinukoy ng Philippine Airlines kung ano ang dahilan ng paghinto ng kanilang operasyon sa Romblon, ngunit maaring dahilan rito ayon sa nakausap ng Romblon News Network ay sa mababang sales ng PAL.
Matatandaang taong 2015 nang mag resume ng biyahe ang PAL sa Tablas Island, Romblon kasabay ng pagsasaayos ng Romblon Airport sa Tugdan, Alcantara, Romblon.