Aabot sa P500,000 ang taya ng Bureau of Fire Protection Odiongan sa pinsala ng nangyaring sunog sa warehouse ng San Miguel sa Barangay Poctoy sa bayan ng Odiongan nitong Biyernes ng hapon, January 27.
Nasunog ang mga sirang refrigerator at ilang gulong na nakatambak sa likod ng warehouse.
Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Odiongan, nagsimula ang sunog sa sinindihang basura na katabi ng isang sirang gulong. Maaring dahil sa lakas ng hangin ay kumalat ang basura papunta sa mga refregirator.
Ikinagulat ng mga nasa poblacion ang nangyaring sunog dahil sa kapal ng usok sanhi ng gulong.
Agad namang naapula ang apoy ng mga bombero para hindi na ito kumalat pa.
Wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing insidente.