Arestado sa isinagawang buy-bust operation ng Odiongan Municipal Police Station at Romblon Provincial Public Safety Company ang isang di umanoy tulak ng shabu sa bayan ng Odiongan.
Isinagawa ang anti-illegal drugs operation pasado alas-3 ng umaga kanina na pinangunahan ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr sa likod lamang ng Cockpit Arena sa Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.
Kinilala ang suspek na si Michael Francisco Magbanua, residente ng Sitio Banlas ng nabanggit na lugar.
Nakuha sa suspek ang 7 sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu, isang sachet na may lamanag marijuana, isang cellphone, apat na lighters, at pera.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, aabot sa P10,000 ang street value ng shabu at marijuana na nakauha nila suspek.
Dagdag pa nila, dati na umanong sumuko si Magbanua sa Oplan Tokhang ng pulisya noong nakaraang taon ngunit bumalik parin umano sa dating trabaho.
Nakakulong na ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.