Mala-blockbuster ulit at aakalain mo ay sa Metro Manila Film Festival ang pila ng mga pasaherong nag-uunahang makakuha ng ticket sa iba’t ibang shipping lines sa Poctoy Port para lang makabiyahe pabalik ng main land Luzon ngayong araw, January 03.
Sa nakuhang impormasyon ng Romblon News Network, umaga palang halos fully booked na ang barko na biyaheng Batangas.
Ilang pasahero ang nagrereklamo dahil maaga pa umano sila nasa pila pero hindi parin sila nabigyan ng ticket para ngayong araw.
Inirereklamo rin nila ang mga fixers na patuloy na nagkalat sa Poctoy Port na halos P1,500 na binibenta ang ticket para sa isang shipping company.
Sa Magdiwang, Romblon; siksikan na rin ang mga pasaherong pabalik ng Tablas Island ngayong araw.
Sa report ni Juvy Fabon ng DZEL Radyo Agila, ilang mga estudyante ang nahihirapan sumakay pabalik ng Odiongan.
Sa Batangas, siksikan na rin sa pantalan ang mga pasaherong biyaheng Odiongan at Romblon, Romblon ngayong araw.