Sinira ng mga tauhan ng Calatrava Municipal Police Station ang kanilang mga nakumpiskang mga improvised na paputok na tinatawag nilang ‘boga’.
Aabot sa mahigit 10 pirasong mga ‘boga’ ang nakuha ng mga tauhan ng kapulisan sa pamumuno ni Police Senior Inspector Gemie Mallen nitong December 15 hanggang December 30.
Kinumpiska umano ito ng mga awtoridad sa mga kabataan para maiwasan na rin ang mga casualty sa pagsalubong ng 2017.
Ayon pa sa Calatrava Municipal Police Station, walang naiulat na nasugatan ng paputok sa lugar nila nitong pagpalit ng bagong taon.