Matapos ang halos 11-taong wanted sa kasong frustrated murder sa Oriental Mindoro, nadakip kanina ng pinagsamang pwersa ng Odiongan Municipal Police Station, Romblon Police Provincial Office at Oriental Mindoro’s 3rd Platoon Police Public Safety Company (PPSC) ang dalawang matandang magkasintahang nakatira sa bayan ng Odiongan.
Kinilala ang mga wanted base sa warrant of arrest na sina Eddie Venus Gajetas, 61-taong gulang, at ang live-in partner niyang si Mayonita Perez Gado, 63-taong gulang, pawang mga magsasaka at residente ng Barangay Anahao, Odiongan, Romblon.
Ayon sa pulisya, ang dalawa ay may kaso noong 2006 sa Oriental Mindoro ngunit hindi nila ito hinarap at mas piniling bumalik nalang sa Romblon.
Nakatakdang ibalik ang dalawa sa Oriental Mindoro para iharap sa korte.
Maaring makalaya ang dalawa kung makapag piyansa ng aabot sa P200,000 kada isa.