Nakapagtala na ang Department of Health – Romblon ng unang pasyente sa buong Romblon na naputukan ng mga ipinagbabawal na paputok.
Ayon sa DOH-Romblon, ang unang biktima ay naputukan ng ipinagbabawal na piccolo sa kamay.
Agad namang nagamot ang biktima sa ospital kung saan siya isinugod.
Hindi na pinangalanan ng kagawaran ang naputukan at kung saang munisipyo ito.
Patuloy naman ang pagbabantay ng DOH at ng lahat ng ospital sa lalawigan sa mga maaring madadagdag sa listahan ng mga isusugod sa kanila ngayong unang araw ng 2017.