Tatlo katao ang sugatan matapos sumalpok sa isang bahay sa may pakurbang bahagi ng kalsada sa boundary ng Brgy. Budiong at Canduyong sa Odiongan kaninang madaling araw ang kanilang motorsiklo.
Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan PNP, pauwi na galing sa isang kasiyahan sa Barangay Canduyong ang dalawang motorsiklo na minamaneho nina Regie Fornal at Darwin Falcutila nang mawalan sila pareho ng kontrol at sumalpok sa isang bahay.
Tumilapon ang dalawang driver gayun na rin ang sakay ni Fornal.
Nagtamo silang tatlo ng malulubhang sugat sa katawan at ngayong nagpapagaling na sa Romblon Provincial Hospital.
Patuloy na iniimbestigahan ng Odiongan PNP ang pangyayari.