Kinansela ngayong araw ang biyahe ng barko ng Starlite Ferries Inc. na biyaheng Odiongan to Roxas dahil sa matataas na alon na nararanasan sa bahagi ng Tablas Straight.
Dahil rin sa pagkakansela ng biyaheng Odiongan – Roxas; kanselado rin ang mga biyahe ng bus na patungong Metro Manila ngayong araw.
Kinansela rin ang mga biyahe ng mga maliliit na bangka galing Banton Island patungong Calatrava, Tablas Island ngayong araw.
Stranded ang ilang bakasyunista at ilang empleyado na babalik na sana sa trabaho bukas dahil sa masamang panahon.