Patay ang isang 18-yrs old na binata matapos na mawalan ng kontrol ang minamaneho niyang motorsiklo kanina pasado alas-6 ng gabi sa Brgy. Limon Sur, Looc, Romblon.
Kinilala ang lalaki na si Mark Anthony Tapao, residente ng Alcantara, Romblon.
Ayon sa mga saksi sa aksidente, dead on the spot umano si Tapao matapos na magtamo ng matinding injury sa pagtilapon nito.
ADVERTISEMENT
Napag-alaman ng RNN na walang lisensya ang nasabing lalaki.