Nailigtas ng mga kawani ng barangay at ng Office of the Municipal Environment and Natural Resource ng Odiongan ang isang batang dolphin sa baybayin ng Brgy. Budiong, Odiongan, Romblon kanina.
Nasagip ang dolphin bandang 4:30 matapos makita itong nasa baybayin.
May sugat ang nasabing dolphin sa ulo at may gasgas sa katawan.
ADVERTISEMENT
Hinihinalang nalambat ang nasabing dolphin ng ilang mangingisda sa lugae at pinakawalan lang.
Dinala ang nasabing dolphin sa isang breeding center para gamutin.