Isang pribadong kotse ang muntik ng mahulog sa bangin sa Barangay Bachawan, sa bayan ng San Agustin, Romblon magtatanghali kanina.
Sa nakuhang impormasyon ng Romblon News network, ang nasabing sasakyan ay pag mamay-ari ng isang businessman.
Ayon sa kwento, aksidenteng napaandar ng isa sa mga anak nito ang nasabing sasakyan at dahil sa hindi marunong magmaneho ng kotse, dumiretso ito sa may bangin.
Laking pasalamat ng pamilya dahil hindi dumiretso sa bangin na may taas na 90m ang sasakyan matapos itong sumabit sa isang puno.
Ligtas naman ang dalagita at sa ngayon ay tinalian na muna ang kotse para hindi na dumiretso sa baba.