UPDATED. Balik na sa normal na operasyon ang mga biyahe ng mga barko papasok at palabas ng lalawigan ng Romblon.
Sa Batangas Port, inanunsyo na ng mga shipping companies na may biyahe na ngayong 9:00 ng gabi ang 2Go Travel patungong Odiongan at 10:00 ng gabi naman patungong Romblon.
Aalis naman ang barko ng Montenegro Lines patungong Odiongan ng alas-10 rin ng gabi mamaya.
ADVERTISEMENT
Pinapayagan na rin maglayag ang mga maliliit na bangka patungo sa mga isla ng Corcuera, San Jose, at Romblon ngayong araw.