Ilang araw bago mag bagong taon, pinangunahan ni Mayor Trina Alejandra Firmalo-Fabic ang pag inspeksyon sa mga tindahan ng mga paputok at pailaw sa Odiongan New Market sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.
Kasama ni Mayor Fabic ang Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. ang pag inspeksyon.
Tiningnan ng awtoridad ang mga hawak na permit ng mga tindahan. Nagpaalala rin ang grupo sa mga may-ari ng tindahan ng mga safety measures.
ADVERTISEMENT