Halos buhol-buhol ang lagay ng trapiko papasok sa palabas ng Odiongan New Market simula kaninang umaga dahil sa dami ng tao na naghahabol na mamili ng kanilang ihahanda sa pagsalubong ng bagong taon mamaya.
Paubusan na rin ng supply ng ilang mga crackers kagaya ng mga sangkap para sa graham cake.
Dagsa rin ang taong namimili ng mga paputok, at pailaw na gagamitin mamayang gabi.
Paalala ng BFP-Odiongan at Odiongan Municipal Police Station, mag-ingat sa pagpapatuok at huwag gamitin ang mga bawal.
Maaring mag sumbong sa hotline ng kapulisan kung may mga bawal na paputok silang makitang ibinibenta sa mga tindihang may perit galing awtoridad.