Hindi na umabot ng buhay sa Romblon Provincial Hospital ang magkapatid na babae matapos silang malunod sa Ilog sa Sitio Tabin-Ilog, Brgy. Batiano, Odiongan, Romblon pasado alas-3 kanina.
Kinilala ang mga biktima na sina Althea Marie Fajilan, 7 yrs old; at Mariel Fajilan, 9 yrs old.
Naliligo umano ang dalawa sa ilog kasama ang ilan pa nilang kalaro ng malunod ang bunsong si Althea Marie. Sinubukan umanong iligtas ng ate nitong si Mariel ang kapatid ngunod nalunod rin sya dahil sa nasa malalim na bahagi ng ilog ang kapatid.
Sinubukan pa silang bigyan ng first aid ng mga sumagip sa dalawa ngunit idineklarang dead on arrival ang dalawa sa ospital.
Hindi naman matanggap ng pamilya ngga biktima ang nangyari. Dapat umano sa mga oras na yun ay nasa eskwelahan ang dalawa ngunit nagtataka sila dahil nasa ilog sila at naliligo.