Kasalukuyang nakakaranas ng power interruption ang ilang bahagi ng Tablas Island, Romblon dahil sa epekto ng bagyong #NinaPH.
Nakaranas rin ng malalakas na pag-uulan ang bayan ng Odiongan at Ferrol kaninang hapon ngunit ilang oras lang ito nagtagal.
Patuloy naman ang ginagawang pagbabantay ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga bayan na nasa silangang bahagi ng lalawigan sa maaring mas matinding epekto ng paglapit ng bagyo.
Sa ngayon, matinding hangin pa lamang at matataas na alon ang nararanasan sa halos buong lalawigan.