Sa Calatrava, Romblon, problema parin ang maputik na daan dahil sa nangyaring landslide nitong Sabado.
Kanina isang truck na may plate number RMV491 na may kargang copra ang hindi makausad dahil sa kapal ng putik sa daan.
ADVERTISEMENT
Ilang pampasaherong jeep rin na papuntang San Agustin ang hindi makadaan dahil nakaharang rin ang isang dilaw na crane.
Sa ngayon, patuloy ang clearing operation ng DPWH sa lugar.