Binuksan na kagabi sa ikatlong taon ang christmas village ng Looc, Romblon na matatagpuan sa sentro ng bayan.
Dinagsa ang #Pailaw2016 ngayong taon ng mga turistang dumayo pa galing sa ibang bayan para saksihan ang pagpapailaw ng mga nagsisilakihang christmas tree na gawa sa iba’t ibang recycled materials.
Hindi rin nagpahuli ang mga kumukutikutitap na christmas lights na nakabitin sa mga puno.
Ayon sa mga dumalo, naging masaya ang lighting ceremony kahit na masama ang panahon nitong hapon.
Ang isa sa mga christmas tree, pinuno ng mga gamit na bote ng softdrinks.
Magtatagal ang display hanggang sa unang linggo ng January.