Sugatan ang driver ng isang 10-wheeler truck na may kargang mga bigas at bakal ng ito ay tumagilid kaninang madaling araw sa bayan ng Odiongan sa Romblon.
Ayon sa driver, bumahura umano ang gulong ng nasabing truck sa ginagawang kalsada sa national road sa Brgy. Batiano kaya ito nawalan ng balanse at tumagilid.
Swerteng galos lang naman ang natamo ng driver at walang nadamay sa pagtagilid ng truck.
Pahirapan naman ang pagdaan ng mga sasakyan sa national road dahil sa nakaharang na truck.
Patuloy naman ang pagtanggal sa mga karga nitong bigas at bakal para magalaw na ang truck at maialis na sa pagkakaharang nito.