Kinasuhan na kahapon ng tanghali ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., ang itinuturong suspek sa pagbaril at pagpatay sa dating konsehal ng Odiongan, Romblon na si Dominidor Bantang.
Ang suspek na si Lorimer Montilla Bantang, 57-years old, dating empleyado ng gobyerno, ay kinasuhan sa Office of the Provincial Prosecutor ng murder at violation sa Republic Act 10591 dahil sa pagtatago ng expired na baril at mga bala.
Sinubukan naman kapanayamin ng Romblon News Network ang nasabing suspek ngunit walang malinaw itong sagot kung ano ang maaring dahilan niya kung bakit niya pinatay ang dating konsehal.
Nakakulong na ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station at inaantay nalang ang commitment order galing sa korter kung saan siya ikukulong.