Binawian na ng buhay kahapon si Orlando Dalisay, isa sa mga rider na nasangkot sa salpukan ng motorsiklo sa Barangay Budiong sa Odiongan, Romblon nitong November 18, Biyernes.
Bandang alas-9 nitong Biyernes ng magsalpukan ang mga motorsiklong minamaneho nina Jhay-R Fradejas at Orlando Dalisay, 30-taong gulang.
Ayon sa police report ng Odiongan Municipal Police Station, biyahe umano papuntang town proper si Fradejas at pagdating sa may curve-area ng provincial road sa Barangay Budiong, bigla umano itong lumipat sa kabilang lane, dito na sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa dala ni Dalisay.
Nagtamo ng injury ang dalawa at agad na isinugod sa Romblon Provincial Hospital.