Aabot sa mahigit 5,000 bisita ang inaasahang dadating sa Odiongan, Romblon para saksihan ang Provincial Athletic Meet nagaganapin sa nasabing bayan ngayong November 28 hanggang December 03.
Ang Provincial Athletic Meet na inaasahang dadaluhan ng mga atleta magmula sa 17 na munisipyo ng lalawigan ng Romblon.
Masaya namang sinalubong at ni-welcome ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ang mga atleta. Binigyan niya pa ang bawat unit ng tig-isang sakong bigas at isang box ng biscuits bilang token.
Hiling naman ng alkalde sa mga residente ng Odiongan, ipakita sana ng mga Odionganon ang mainit na pagwelcome sa mga Romblomanong manlalaro.