Ilang bangka sa Barangay Gui-ob sa bayan ng Alcantara ang sinimulang ng iakyat sa mataas na bahagi ng lupa kanina.
Bahagi umano ng kanilang paghahanda para sa maaring paglapit ni bagyong #MarcePH sa lalawigan ng Romblon mamayang hapon o di kaya mamayang gabi.
Ilang mangingisda na rin ang mas piniling huwag nalang pumalaot para narin makaiwas sa aksidente.
Nakakaranas na rin ng pabugso-bugsong pag-uulan na may kasamang malakas na hangin ang bayan ng Alcantara.
Patuloy naman ang ginagawang pagbabantay ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng bayan ng Alcantara sa mga lugar na kinakailangang ilikas dahil sa bagyo.
































