Aabot sa 200 piraso ng iba’t ibang uri ng aquarium fish ang pinakawalan ng mga awtoridad sa isang sanctuary sa San Fernando, Sibuyan Island, Romblon nitong November 02.
Ang mga nasabing aquarium fishes ay nasabat ng mga awtoridad ng San Fernando Municipal Police Station sa isang bangkang pangisda na nagsasagawa ng iligal fishing activity sa kanilang dagat na nasasakop ng kanilang bayan noong October 30.
Pinangunahan ang pagpapalaya sa mga nasabing isda ng San Fernando Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Elmer Fajel, kasama ang Mayor ng bayan ng San Fernando na si Mayor Salem Tansingo at ilang mg ataga Bantay Dagat.
Malaking bagay umano ang pagpapalaya sa kanila para hindi mapigilan ang pag unti ng kanilang mga uri.