Aabot sa 132 pasahero ng Navios Shipping Lines ang stranded sa bayan ng San Agustin matapos dumaong ang kanilang barko sa San Agustin Port sa nasabing bayan matapos pagbawalang maglayag patungong Sibuyan Island dahil sa banta ng bagyong #MarcePH sa lalawigan.
Ilan sa mga stranded ay may kasamang mga bata.
ADVERTISEMENT
Pansamantala silang pinatuloy ng Local Government Unit ng San Agustin sa San Agustin Commercial Complex para doon muna magpalipas ng gabi.
Sa buong Romblon aabot na sa 275 ang pasehong stranded ngayong araw.