Walang kawala ang isang wanted sa kasong attempted homicide sa Calatrava, Romblon matapos na madakip ito ng pwersa ng Calatrava Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Gemie Mallen, at ng Naujan MPS sa pangunguna naman ni Police Supt. Rommel Briones sa Oriental Mindoro nitong October 31.
Kinilala ang suspek na si Joey Falogme Fajel, 45 years old, residente ng Apitong, Naujan, Oriental Mindoro, at number 04 most wanted person sa listahan ng Calatrava MPS.
Inaresto si Fajel sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas noon pang August 04, 2014 ng 1st MCTC San Andres – Calatrava.
Nasa Naujan MPS ngayon ang suspek at ibabiyahe papuntang Calatrava MPS upang iharap sa korte.
Maaring maka pyansa ang suspek sa halagang 12,000.