Naaresto ng kapulisan ng bayan ng San Andres ang isang lalaking wanted sa kasong attempted rape.
Kinilala ang suspek na si Rudy Galang Rizano, 37 y/o, single, tricycle driver at residente ng Brgy. Poblacion San Andres, Romblon.
Ayon sa report ng San Andres Municipal Police Station, nadakip ang suspek sa kanilang pamamahay sa Barangay Poblacion bandang 11:15 ng umaga nitong November 05.
Nakakulong na ang suspek sa San Andres Municipal Police Station at ihaharap sa korte sa Regional Trial Cort Branch 82.
Maaring maka pyansa ang suspek ng halagang P120,000 para makalaya.