Dahil sa kakulangan ng early warning device sa mga road construction sa bayan ng Odiongan, dalawa ang sugatan matapos maaksidente kaninang madaling araw matapos dumiretso ang kanilang motorsiko sa hinukay na kalsada sa may Barangay Poctoy.
Sa mga nakalap na impormasyon ng Romlon News Network, patungong Norte ang motorsiklo na may dalawang sakay at pagdating sa lugar hindi nila napansin na may hinuhukay palang kalsada sa lugar.
Hindi naman nagtamo ng malubhang sugat ang dalawa at agad rin namang nakaalis.
ADVERTISEMENT