Isang modern crane ng isang construction company na giangamit sa pagsasaayos ng pantalan ng Alcantara sa Barangay Poblacion ang nahulog sa dagat kanina.
Sa concern citizen na nagpadala ng report sa Romblon News Network, bandang 2:00 ng hapon ng mangyari ang aksidente.
Habang nagbubuhat umano ang crane ng poste papunta sa dagat, bigla umano itong nag out-balance kaya dumiretso sa tubig.
ADVERTISEMENT
Nakatalon naman agad ang driver ng nasabing crane at nagtamo lamang ng kunting galos.
Wala na ring ibang nasaktan sa nasabing aksidente.