Sinalanta rin ng baha ang bayan ng Calatrava sa Tablas Island, Romblon kaninang hapon.
Sa Barangay San Roque, halos hindi na makita ang national road dahil sa lagpas gutter na tubig baha.
Ang nasabing baha ay galing sa umapaw na creek sa nasabing lugar.
Sa Barangay Poblacion naman, pinasok rin ng baha ang Calatrava Elementary School.
Makikita sa litrato ni Arlean Fortu Magbata ang kwartong pinasok ng taga gutter na baha.
Sa Saling-sing road naman sa Barangay Pangulo, nagkalat sa national road ang mga maliliit na batong nahulog galing sa bundok dala ng landslide.
Ayon sa report ng concern citizen na si Marlyn Galoso, pasado alas-3 ng hapon ng mangyayi ang lanslide.