Aabot sa halos 25 bahay sa Barangay Poblacion, San Agustin sa Tablas Island, Romblon ang pinasok ng baha ngayong hapon dahil sa malakas na pag-uulang dala ng bagyong #MarcePH.
Ayon sa ilang nakausap ng Romblon News Network, ang pagbabaha ay kasunod ng pag-apaw ng creek sa lugar kaya tumaas rin ang tubig.
Kahit binaha, wala pa namang inililikas na mga residente ng nasabing barangay.
Sa Barangay Dubduban, binabantayan na ang ilog sa maaring pag-apaw rin nito dahil sa patuloy na pag-buhos ng ulan sa kabundukan.
Kasalukuyan ring binabaha ang Barangay Bachawan sa pareho paring bayan dahil sa pag-apaw ng ilog sa lugar. – with reports by Eugene Mayor