Nagsimula ng magsidagsaan ang mga bakasyunistang umuuwi sa lalawigan ng Romblon para bumisita sa mga yumao nilang mahal sa buhay.
Sa bayan ng Corcuera sa Simara Island, nagsimula na ring umuwi ang mga estudyanteng nagbabakasyon para sa UNDAS at kanilang semestral break.
Ayon kay Bernie Fallurin, correspondent ng Romblon News Network sa bayan ng Corcuera, may mga estudyante ng galing Metro Manila, Batangas at ilang karatig probinsya ang nagsisiuwian na.
Nagsimula na rin ang ilang pamilya na maglinis sa mga puntod ng kanilang mahal sa buhay sa public cemetery ng Corcuera.
Inaasahang sa darating na biyernes, mas dadagsa pa ang mga taong uuwi sa Isla para magbakasyon at para na rin sulitin ang long weekend.