Maliban sa pagbulgar ni Nonilo Arile sa mga drug lords na nagdadala ng shabu sa lalawigan ng Romblon, ibinulgar niya rin ang protector ng droga sa mga lugar ng Batangas, Laguna at Bicol sa ginanap na pagdinig sa Kamara nitong Huwebes.
Ayon kay Arile, 26, si Police Senior Superintendent Nilo Anzo ang isa sa mga protektor sa nasabing lugar.
Si Police Senior Superintendent Nilo Anzo ay dating Provincial Director ng Romblon Provincial Police Office at na re-assign sa Regional Police Office MIMAROPA bago mag election ng May 2010.
Makailang beses ring lumabas sa local newspaper noong 2009 sa lalawigan ng Romblon ang pangalan ni Anzo dahil sa pagkakasangkot umano nito sa iligal na droga at iligal fishing sa Romblon.