Suspendido na ang mga biyahe ng mga RORO vessel papasok at paalis ng lalawigan ng Romblon ngayong araw, October 15, dahil sa banta ng bagyong Karen sa lalawigan.
Batay sa pinakabagong taya ng PAGASA nitong Sabado ng umaga, nakataas parin sa lalawigan ng Romblon ang signal number 1.
Ilan sa mga kanseladong biyahe ngayon ay ang mga patungong Oriental Mindoro, Caticlan, at Batangas.
Patuloy namang pinapaalalahan ng Philippine Coast Guard ang mga may-ari ng maliliit na bangkang pangisda na huwag munang pumalaot sa mga panahong ito para makaiwas sa aksidente.
Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 125km noreast ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas na 130kph at bugsong 180kph.
Inaasahang bago magtanghali sa linggo tatama ang bagyo sa kalupaan ng Quezon or Aurora area.