Pormal ng umupo bilang bagong presidente ng Vice Mayors League of the Philippines Romblon Chapter ang Vice Mayor ng bayan ng Odiongan na si Mark Anthony ‘Cocoy’ Reyes.
Sa unang pagpupulong ng Vice Mayors League of the Philippines Romblon Chapter nitong August 31, pinagpasyahan ng grupo at hinalal ang mga bagong opisyal ng nasabing liga.
Naupo naman bilang Vice President ng liga si Elmer Fruelda ng bayan ng Corcuera habang Secretary at Treasurer naman sina Jovito Gamul ng Alcantara at si Cyril Dela Cruz ng Calatrava.
Sinaksihan ni Provincial Director German Yap ang halalan.