Hindi lang isa, kundi dalawa ang panlaban ng lalawigan ng Romblon sa darating na Misters of Filipinas 2016 na gaganapin sa Pasay City.
Isa sa kanilang lalaban ay si Bobby Royo, 27-taong gulang at tubong Sibuyan Island, Romblon.
Nitong February lamang ay ikinatawan ni Royo ang buong Pilipinas ng ito ay lumaban at manalo bilang Mister Culture Asia World 2016 sa Kota Kinabalu, Malaysia.
Habang ang isa sa pambato ng lalawigan ay si Roberto Lim Jr. ang Chinito Gwapito ng Lunos, Romblon, Romblon.
Si Lim ay graduate sa Romblon State University at ngayon ay isang freelance male model.
Ang dalawa ay lalaban sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa Pasay City sa darating na September 18, alas-7 ng gabi.