Naka alerto ngayon ang Romblon Provincial Police Office kasunod ng pagpapasabog sa Davao City nitong Biyernes ng gabi na pumatay sa 14 katao.
Ayon kay Police Chief Superintendent Juan Annonuevo, wala naman umanong security threat sa lalawigan ng Romblon pero dapat maging vigilant parin umano ang mga taga-Romblon.
Asahan na ang mga checkpoint sa mga kalsada tuwing gabi bilang paghihigpit ng siguridad sa lalawigan.
Isinailalim na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa sa ‘state of lawlessness’ kaninang madaling araw.