Kinansela ng Coast Guard Station – Romblon ang lahat ng biyahe ng mga pumpboat sa buong Romblon ngayong araw dahil sa nakataas na Gale Warning sa dagat na sakop ng lalawigan.
Patuloy naman na binabantayan ng Coast Guard ang mga bangkang magpupumilit na bumiyahe kahit na naglabas na sila ng paalala.
ADVERTISEMENT
Wala namang naiulat na stranded sa mga pantalan.
Muling maglalabas ng abiso ang coast guard bukas, August 23, 5am kung papayagan na bumiyahe ang mga maliliit na bangka.