Isang hinihinalang pusher ng iligal na droga ang napatay sa isang police operation sa bayan ng Pinamalayan sa Oriental Mindoro pasado alas-11 kaninang tanghali.
Ayon sa Regional Police Office MIMAROPA, maghahain sana ng Search Warrant ang grupo ni Police Superintendent Rommel Briones, Chief of Police ng Pinamalayan MPS sa bahay ni Franciso Morato alyas Boy Bakla at Francia sa Sitio Morente, Barangay Ville Cacawan, Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Sa kwento ni Police Superintendent Rommel Briones ng makapanyam ng Romblon News Network, sinabi nito na pagdating niya daw doon sa CR ng kanyang bahay nakita niya umano si Morato na may hawak na baril kaya niya ito agad pinapatukan sa kamay.
Susugod pa sana umano sila Morato kay Police Superintendent Briones kaya pinapatukan siya ulit at nasawi on the spot.
Ayon sa Pulisya, nagtamo ng tama ng baril si Morato sa kamay, balikat sa dibdib.
Si Morato ay pangatlo na sa mga naitalanag namatay sa MIMAROPA sa mas pinaigting na laban kontra sa droga.