by Paul Jaysent Fos, Romblon News/Photos from RPIO MIMAROPA | Tuesday, 05 July 2016
Pormal ng nailipat kahapon ng umaga ang command ng Police Regional Office MIMAROPA kay Chief Supt. Wilben Mayor.
Sa isinagawang change of command ceremony kahapon sa Camp Efigenio C Navarro Grandstand sa Calapan City, Oriental Mindoro, pormal ng inilipat ang command kay Chief Supt. Mayor ni Chief Supt. Ramon C. Apolinario.
Dinaluhan ang seremonya ng mga Provincial Directors ng buong MIMAROPA at ni PDir Noel Lazarus Vargas, Director ng Directorate for Plans ng Philippine National Police.
Matapos ang seremonya, agad namang nagpatawag ng kauna-unahang command conference si Chief Supt. Mayor kasama ang mga Provincial Directors upang pag-usapan ang sitwasyon ng krimen sa mga lalawigan at ang pagpapatupad ng mga oplan ni PNP Chief Dela Rosa.