by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 17 June 2016
Nadakip ng pinagsamang pwersa ng The Provincial Anti Illegal Drug and Special Operation Task Force (PAIDSOTF), at Alcantara Municipal Police Station sa isang buy-operation ang isang lalake na hinihinalang tulak ng druga sa bayan ng Alcantara.
Nakabili ang mga tauhan ng kapulisan ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 sa suspek na nakilalang si Zaldy Antonio, residente ng Barangay Gui-ob ng nasabing bayan at nagtatrabaho bilang maintenance sa isang cellsite ng isang telecom company.
Ayon sa awtoridad, habang iniimbestigahan umano ang suspek ay itinuro nito kung saan ang kinukunan niya ng druga sa bayan ng Looc.
Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad sa Barangay Punta, Looc kung saan agad nadakip si Jojo Bernardo matapos positibong mabilhan ng druga.
Itinanggi naman ni Bernardo ang paratang ngunit ng inspeksyunin ang kanyang sinasakyang motorsiklo ng mahuli ay may nakuha pang isang sachet ng shabu.
Nakakulong na ngayon ang dalawa.