by Jackey Tapao, Romblon News | Monday, 27 June 2016
Pinaghahandaan na ng mga residente ng bayan ng San Agustin, Romblon ang nalalapit na oath-taking ceremony ng kanilang kasalukuyang Mayor at Congressman-elect Emmanuel ‘Toto’ Madrona sa araw ng Huwebes, June 30.
Kaninang alas-3 ng hapon, nagsagawa ng mass clean-up drive sa buong Poblacion ng San Agustin ang mga empleyado ng Local Government Unit kasama ang mga estudyante ng Tablas Academy at Holy Rosary Academy.
Inaasahang sa Huwebes ng umaga sa San Agustin Covered Court isasagawa ang oath-taking ni Congressman-elect na inaasahang dadaluhan nina incumbent Congressman Eleandro Jesus Madrona at ilan pang Mayor ng lalawigan.