by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 23 June 2016
Ibinahagi sa Romblon News Network ng isang netizen ang isang video kung saan makikita ang maputik na kalsada sa isang barangay sa bayan ng Ferrol.
Ayon kay Joshua Fabito, ang nasabing video ay kuha sa Brgy. Tubigon, Ferrol, Romblon papasok po ng Sitio Bagulayag kung saan may kalsada na matagal ng iniririklamo nila ngunit walang aksyon ang gobyerno.
May bahagi rin sa video na makikitang masyadong madulas ang kalsada.
Ang mga ganitong problema sa kalsada ay isa sa mga dahilan kung bakit umano maraming naaksidente sa lugar.
Ayon kay Fabito, inilabas niya ang video para mas makita ng gobyerno ang kanilang sitwasyon.
“Kung kaya naisipan kung ilahad ito bilang panawagan sa mga kinauukulan, sa pamahalaang lokal ng bayan ng Ferrol at maging sa provincial government ng ating lalawigan na sana ay mabigyan po ng aksyon,” pahayag niya.
Narito ang video: