by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 29 June 2016
Nalapnos ang katawan at mukha ng isang mangingisda sa bayan ng Magdiwang sa Sibuyan Island matapos itong tamaan ng kidlat pasado alas-5 ng umaga kanina.
Nakilala ang mangingisda na si Honeybal Rosas, residente ng Barangay Tampayan ng nasabing bayan.
Kwento ng ilang taga roon, malapit na umano si Rosas sa pangpang ng tamaan ng kidlat.
Maaring galing umano si Rosas sa pangingisda at papaahon na sa dagat dahil sa nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan ng mga panahon na iyon.
Nasunog rin ang bangka na sinasakyan ni Rosas, ayon sa isang residente ng Magdiwang.