Nag alay kahapon ng misa ang mga residente at local government unit ng San Fernando, Romblon sa pag-alala sa mga pasaherong nasawi ng lumubog na M/V Princess of the stars.
Pinangunahan ang nasabing misa ng mga opisyal ng munisipyo at ng simbahan.
Pagkatapos ng misa, nagsindi ang mga residente ng kandila at nilagay sa gilid ng dagat kung saan kita ang pinaglubugan ng barko.
Nagpalutang rin sila sa dagat ng mga bulaklak, alay sa mga nasawi.
Matatandaang noon 2008 ay lumubog sa karagatang sakop ng Romblon ang barkong MV princess of the stars na pumatay sa mahigit 800 katao.