by Jackey Tapao, Romblon News | Thursday, 30 June 2016
Full force ang buong pamilya Madrona sa San Agustin sa pagsuporta kay Congressman Emmanuel Madrona sa kanyang panunumpa kaninang umaga sa San Agustin Public Plaza.
Nanumpa si Congressman Madrona sa sa kanyang kapatid na dating Congressman na si Eleandro Madrona.
Dinaluhan rin ito nina Governor Eduardo Firmalo, Vice Governor Otik Riano at mga miyembro ng panlalawigang konseho. Nasa San Agustin rin ang mga kapartidong Mayor, Vice Mayor, at Sanguniang Bayan members na nanalo noong May 2016.
Kasabay na nanumpa sa bagong pwesto ang kapatid ni Congressman Emmanuel Madrona na si Denon Madrona na ngayon ay alkalde na ng nasabing bayan.
Pag asenso ng buong Romblon naman at hindi pagpapabaya sa mga nasimulan ng kapatid nitong si Eleandro Madrona ang pangako ni Congressman Emmanuel Madrona.
Pinasalamatan niya rin ang mga taga San Agustin na patuloy na sumuporta sa kanya hanggang sa huli.