by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 13 June 2016
Ipinababatid ng pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc, o TIELCO na makakaranas ng 13-days na power interruption ang dalawang barangay sa bayan ng San Agustin.
Ito ay ang mga Barangay ng Buli at Camantaya.
Ayon sa advisory ng TIELCO na inilabas nitong Sabado, June 11, dahil umano ito sa isasagawang pag-upgrade sa distribution lines sa lugar.
Magsisimula ang interuption sa Martes, June 14 at magtatagal hanggang June 30, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Ibabalik naman sa normal na operasyon ang kuryente kapag Sabado at Linggo.