by Arnold Fetalvero, Romblon News | Thursday, 30 June 2016
Pinagkalooban ng mga regalo ng mga tauhan ng Odiongan District Jail at Calatrava Municipal Police Station sa pangunguna nina Senior Inspector Jorge Allan D’May Soriano at Inspector Gemie Mallen ang mga estudyante ng Cabibihan Elementary School sa isang liblib na barangay ng bayan ng Calatrava ngayong araw.
Hindi alintana sa grupo ang dagat na kailangang daanan para lang marating ang nasabing liblib na barangay.
Nagkaroon rin ng libreng pakain para sa mga bata ang grupo at ang ilan ay nakipag story telling pa sa mga estudyante.
Tuwang-tuwa naman ang mga bata dahil naabot sila ng mga ganitong tulong.