by Jackey Tapao, Romblon News | Friday, 13 May 2016
Tinatayang aabot ng 300 square meters na damuhan sa bayan ng San Agustin sa Tablas Island, Romblon ang nasunog kaninang tanghali.
Nangyari ang sunog sa Sitio Abaca, Barangay Binongaan ng nasabing bayan.
ADVERTISEMENT
Ayon sa mga residente sa lugar, apoy na umano ng makita nila ito at hinihinalang dahil sa mainit na panahon kaya ito nangyari.
Wala namang bahay at mga hayop ang nadamay sa nasabing sunog.